^

Para Malibang

OFW hayahay ang buhay?

BUHAY OFW - Pang-masa

Iniiwan ng mga Filipino ang kanilang comfort zone pati na ang pamil­ya upang magtrabaho sa ibang bansa.  Lahat ay gustong gawin para sa ikabubuti ng asawa at mga anak na mahirap mangyari lalo’t mababa ang suweldong tinatanggap sa ‘Pinas. Mas pinipiling maging Filipino overseas workers para sa mahal sa buhay.

Lahat na lang ay pi­napasan ng OFW na nagpapadala ng remittance na madaling ikatuwiran para sa school, bills, gamot, at ibang budget. Maraming OFW ang  nakakatupad ng kanilang obligasyon, pero kadalasan ay nagkakaproblema kaya hindi makapagbigay ng kanilang suweldo. Hindi sinasadya ng mga OFW na hindi makapagdala ng pera sa kanilang pamilya dahil sa mga hindi inaasahang problema lalo na kung naaantala ang kanilang suweldo. Kung mayroong emergency na nagkakasakit o ibang legal na isyu. Sa malas, imbes na makisimpatya ang pamilya ay demanding pa na namimilit na magbigay agad ang asawa o kapatid na nakokonsensiya tuloy ang OFW na hindi nakapagpadala ng on time sa pamilya.  Ang ibang misis o mister ay naghihinala pa kung baka mayroon nang ibang pinapadalhan ang OFW.

Ang ending, napipilitan ang manggagawang Pinoy na gumawa at mag-isip ng ibang paraan. Minsan kahit pa labag sa batas o kanilang kontrata may maabot lang sa pamilya. Ilan na ba ang naringgan natin na baon sa utang, pumasok sa prostitution, at mapilitang maging mule sa pagtitinda ng ipinagbabawal na gamot.

Isipin sana ng mga naiwang OFW sa bansa na hindi sa lahat ng pagkakataon ay may maiaabot sa kanilang pera. Lalo na kung ito ay may sarili na ring pamilya ang OFW. Dapat ipaunawa ng OFW sa pamilya na maging responsible sa mga tinatanggap nitong dolyar na tipirin at i-invest sa tamang bagay. Dahil hindi sa lahat ng oras ay hayahay ang buhay ng OFW.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with