Food poisoning
May panganib ng food poisoning tuwing umuulan.
Kapag ‘di maayos ang paghahanda ng pagkain ay maaaring malason. Dahil mataas ang humidity kapag tag-ulan, nagiging sanhi ito ng paglabas ng mga bacteria na nagdudulot ng sakit.
Karaniwan din ang sipon at ubo tuwing umuulan.
Para makaiwas sa sakit:
*Ugaliing maghugas o magpahid ng hand sanitizer sa kamay bago kumain.
*Gumamit ng serving spoons.
*Iwasan ang street food.
*Hugasang mabuti ang mga pagkain bago lutuin at kainin.
*Kung bumili ng pagkain sa labas, initin ito nang mabuti bago kainin.
*Para hindi kumalat ang germs, gumamit ng antibacterial na sabon sa paghuhugas at paglilinis.
*Maghugas o maligo agad kapag nabasa ng ulan o lumusong sa baha. - Mae Balbuena
--
- Latest