Kumbinsidong ampon ng pamilya
Dear Vanezza,
Pasukan na at ako na naman ang pinag-iinitan. Hindi lang masabi nila mama at papa, pero sigurado akong ampon ako. Iba kasi ang trato nila sa akin. Hindi ako kasalo sa kainan o mga lakad nila. Hindi rin ako kinakausap at ang tita kong nasa abroad ang nagpapaaral sa akin. Hindi ko rin maramdaman ang kalinga at pagmamahal ng parents ko. Kahit honor student ako, pero never silang naging proud sa akin. Tama ba ang hinala ko? – Saem
Dear Saem,
Bakit hindi mo diretsong tanungin kung ampon ka lang talaga. Saka sabihin ang nararamdaman kung paano ka nila itrato. Upang malaman nina nana yang iyong pinagdadaanan. Kung ampon ka, panahon na upang malaman ang totoo mong magulang.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest