^

Para Malibang

Pangalawang Anino (478)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

HINANAP nina Na­nette at Arturo sina Angela at Ariel.

“Wala sila rito sa ma­lapit sa inuupahang bahay ni Yawan.”

“Hindi mo ba maramdaman kung okay sila, kung saan maaring nagpunta?”

“Aywan ko ba, Arturo. Kinakabahan ako.”

“Bakit kaya hindi nila sinasagot ang tawag mo sa celfone?”

“Iyan nga ang worry ko, e. Dalawa na ang tinatawagan natin dahil may celfone rin naman si Ariel. Pero hindi sila makontak.”

“Ang pari, tinawagan mo na?”

“Tatawagan ko pa lang. Baka nga umuwi sila sa simbahan o sa kumbento.”

Nakausap ni Nanette ang pari na umaampon sa dalawa.”Akala ko ba kasama ninyo sila, Nanette?”

“May hindi ho kasi inaasahang nangyari, Father. Kailangan naming ihatid si Yawan sa bundok na banal. Kaya hindi na namin naipaalam kina Angela at Ariel na may pupuntahan kami.”

“Hanapin n’yo na lang sila, Nanette. Nag-aalala na rin ako. Kasi wala sila rito. At hindi rin kumontak sa akin.”

“Sige, Father. Hindi ho kami titigil hanggang hindi namin sila nakita.”

“Wala sila kay Father, Arturo. Kaya maghahanap tayo.”

“I’m willing. Hopefully walang masamang nangyayari sa kanila.”

ANG hindi alam nina Nanette ay ganito ang nangyari.

Habang nasa lugar na pinaghihintayan kina Nanette at Ariel, may nakapansin kay Ariel na ang kausap ay anino.

“Ano ‘yan? Bakit anino, kinakausap niya?”

 “Anino ng babae! Kaninong anino ‘yan?”

“Tingnan ninyo, sumasagot din ang anino! Bakit ganyan? Nakakatakot!”

“Di ba may balita noon pa na may aninong pumapatay, nagiging halimaw? Baka siya ‘yan!”

Naging agresibo ang mga kalalakihan.

May naglabas ng baril. May kumuha ng patalim. May dumampot ng malaking panghataw.

“Baka maunahan pa tayo! Baka tayo ang mapapatay! Siya na ang patayin natin!”

Humarang si Ariel sa mga taong mananakit kay Angela. “Huwag! Hindi siya ang aninong pumapatay! Napakabait niya! Pareho kaming nagtatrabaho sa simbahan! Huwag ninyo siyang sasaktan! Girlfriend ko siya!” Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with