Kakaibang gamit ng beer
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - June 20, 2018 - 12:00am

Isa ang beer sa pinakasikat na nakalalasing na inumin. Marami ang nagsasabing may mabuting naidudulot ang pag-inom nito basta’t huwag lang sosobra. Dapat din ay nasa legal na edad na bago uminom.

Ganun pa man, alam n’yo ba na ang beer o ser­besa ay pwede ring ga­mitin sa pagpapaganda sa pamamagitan ng pagpahid?

Kutis – May antioxidants ang beer na nagpapatagal sa pagtanda ng ating mukha. Nilalabanan nito ang pagkakaroon ng wrinkles.

Paghaluin ang dalawang kutsara ng beer at isang egg white, ilagay ito sa mukha, at ibabad ng sampung minuto.

Buhok – Pampalambot din ng buhok ang serbesa. Mayaman ito sa Vitamin B at silicon na siyang responsable sa pagpapatubo ng buhok.

Ibuhos lang ang isang baso ng beer sa iyong anit, i-massage ito ng limang minuto at hugasan ng ma­lamig na tubig.

Pagtulog – Isa ang hop flower sa mga ingredients ng beer. Epektibo itong panlaban sa insominia.

Banlawan ang inyong punda (pillowcase) sa pinaghalong beer at tubig.

Maa-absorb ng tela ang aroma ng hop flower.

BEER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with