^

Para Malibang

Pangalawang Anino (477)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

“Mag-enjoy lang ho kayo rito sa banal na bundok. Nakikita ko ho na masaya kayo rito.”

“Oo, Nanette. Hindi ko alam kung paano pero napagbago kami ng banal na bundok. Sana ganito na lang palagi. At pati si Yawan, sana makatulad namin.”

“Hindi ho talaga madali, Aling Alona. Pero basta lumaban tayo sa kasamaan, magpapaka­tatag tayo sa tukso, magiging atin din ho ang kaligayahan at kapanatagan.”

“Hihintayin na lang namin na magigising si Nanette. At kapag nakita niya kaming masaya siguro ay maaayos na rin siya.”

“Opo. Sige po, aalis na po kami ni Arturo.”

“Ahm, Nanette, kumusta na nga pala si Roger?”

“Mabuti po. Nagkakabalikan na po sila ng Inay Sheila ko. Sana po okay lang sa inyo ‘yon.”

Ngumiti nang maaliwalas si Alona. “Okay lang. Kaya nga ako nagtanong ay para malaman ko kung bumalik ba siya sa talagang asawa niya. Dahil para sa akin, mas maluwag ang dibdib ko kapag ganoon ang nangyari. Sinira ko sila. Gusto kong mabuo kayo uli.”

Naluha si Nanette. “Salamat po, Aling Alona.   Sige po, aalis na kami.”

At inangat sa lupa ng isang puwersa sina Nanette at Arturo na kapit-kamay. Dahan-dahan, isang vision na maka-Diyos.

Nakatingala sina Alona at Yawanaya.

“Mahal pa rin nila ang isa’t isa, Inay.”

“Oo. Pero nararamdaman ko na basta sa kaligayahan ni Yawan, handang magparaya si Nanette. Iyon nga lang, ang puso ni Arturo ay hindi naman puwedeng diktahan.”

NAKIKITA nina hari ng mga demonyo at Tagapag-alaga ang nangyayari sa bundok na banal.

“Hindi ko mapaniwalaang ganyan na kabait si Alona at si Yawanaya, panginoon.”

“Pumapabor nga sa kanila ang timbangan. At iyan si Yawan, posibleng pag nagising ay mapapayakap din sa nangyayari ngayon kina Alona at Yawanaya. Kaya kailangang kumilos na tayo kay Angela. Kapag hindi nagiging sakop natin si Angela at gising na si Yawan at nasa mabuti na ring puwersa, lalo akong manlalata. Talong-talo na tayo!”

“Pero puwede naman tayong humila sa kasamaan ng ibang tao o pamilya, panginoon?”

“Dito sa pamilyang ito nagsisimula ang laban, dito rin dapat matapos.” Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with