Tama ba ang ginagawa mo?
MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

Kung akala mo ay expert ka na pagdating sa sex, tiyak mayroon pang dapat na i-correct na ginagawa kapag nakikipag-sex.

May ilang hygienic tips na dapat tandaan sa pakikipagtalik upang huwag magkaroon ng sexual­ly transmited Diseases (STDs) at sexually transmited infections (STIs).

Pag-usapan natin nga­yon ang paghuhugas/pag­ligo bago makipag-sex at pagkatapos ng romansahan.

Bago ka i-touch ng iyong partner, siguradu­hing malinis ang mga kamay nito. At bago ka hawakan ng iyong partner, siguraduhin din na malinis ang ipanghihipo niya.

Puwede kasing magkaroon ng yeast infection. Lahat tayo ay may bacteria sa mga kamay at kung idadampi ito sa inyong private part ay maaaring malipat ang bacteria sa inyong ari at ayaw natin ng germs o bacteria.

Ipinapayo rin ang pag­huhugas ng private part o pagligo pagkatapos makipag­-sex para matanggal ang anumang dumi o bacteria. Dahil natural na naglilinis ang vagina, hindi kailangan ng matatapang na sabon. Okay lang din gumamit ng feminine wash o feminine wipes para matanggal ang mga germs at bacteria na maa­ring maging sanhi ng infection. (Itutuloy)

HYGIENIC TIPS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with