^

Para Malibang

Masama bang umiyak ang lalaki?

Pang-masa

Ang pag-iyak ay ginagawa ng lahat dahil ito ay normal at part ng buhay. Pero kung ang lalaki ang umiiyak, madalas ay iba na ang standard. Iniuugnay agad sa pagiging mahina, tinutuksong binabae o jokla. Kaya ang projection na inaasta ng mga lalaki ay dapat astig at hindi rin ipinapakita ang kanilang emosyon.

Nang umiyak si President Barack Obama noon publicly dahil sa gun violence,  kinuwestyon kung dapat bang umiyak o mag-display ang isang leader ng kanyang emotion. Ang lalaki ay nahuhusgahan na nawawalan ng ego, strength, confidence, at self-awareness. Ang totoo, ang taong komportable sa kanyang sarili ay hindi nag-aalala kung ano ang sasabihin ng iba kapag siya ay umiiyak. Pero hindi umiiyak ang lalaki dahil ayaw nilang mahusgahan. Kaya kadalasan ay pinipigilan ng mga men ang kanilang sarili na idinadaan pa sa pakuwela o patawa. Sa pagba-block ng emosyon at nararamdaman ay nami-miss ng tao ang pagkakataon na maranasan din ang kasiyahan sa pamamagitan ng pag-iyak na nakokonek ang moment sa iba.

Mahalaga ang pag-iyak dahil nailalabas nito ang sakit na nararamdaman. Hindi ito sign ng kahinaan; kundi pinapayagang makaramdam din ng happiness minsan sa pag-iyak. Higit sa lahat na okey lang ang umiyak, dahil ito ay normal na bahagi ng buhay.

vuukle comment

PAG-IYAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with