^

Para Malibang

Pangalawang Anino (453)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NATARANTA ang lahat sa usok na itim na lumalabas sa tulalang waiter.

“Bakit nagkakaganyan? Ano ba ang babaing ‘yan at napapalabas niya ang itim na usok mula sa anak ko?” Natatakot na rin ang ina.

“Miss ...” Pipigilan ng pulis si Nanette sa pagdiin sa noo ng waiter.

Patuloy na lumalabas ang itim na usok mula sa mga teynga, ilong at pati na sa bibig ng waiter.

“Baka mamatay ang anak ko!” Nagpa-panic na ang ina ng waiter.

Kaya ang dalawang pulis ay mukhang tatanggalin na ang mga kamay ni Nanette at ilalayo na ito.

Pero pumigil si Arturo. “Huwag kayong matakot. Ginagamot niya si Celso. Isa siyang babaing banal. Pinagkatiwalaan siya ng Diyos ng kapangyarihan para makatulong. Siguradong na-possess ng demonyo ang waiter na iyan.”

Unti-unti nang nawala ang mga itim na usok.

At si Celso ay parang nahihimasmasan. Hindi na tulala.

“Diyos ko, ang anak ko! Mukha ngang nagiging normal uli!” Tuwang-tuwa ang ina.

Nagpatuloy pa ng pagdadasal si Nanette kahit wala na ang itim na usok. Nang matapos si Nanette sa pagdadasal, saka rin nagsalita ang waiter.

“Ano po ang nangyari sa akin? Inay?”

“Celso, nilabasan ka ng itim na usok, anak. Nang umuwi ka, tulala ka. Hindi ka sumasagot sa kahit anong tanong. Blangko ang mga mata mo. Kaya nga ako ang magtatanong sa iyo, ano ba ang nangyari sa iyo, anak ko?”

Natigilan si Celso. Ina­lala ang lahat.

“Natatandaan ko na ho. May humarang sa akin ho na napakaguwapong tao. Tapos may sinabi siya sa akin na pabulong. Hindi ko kabisado ang lengguwahe na ‘yon, e. Pero parang narinig ko sa simbahan.”

“Latin?” tanong ni Nanette.

“Ganoon nga, Ma’am! Latin nga, Ma’am!”

“At ano na ang sumunod na nangyari?” Tanong ng isang pulis.

“Wala na po akong matandaan. Para po akong galing ngayon sa tulog na napakahim­bing.”

“Hindi mo namalayan na ang daming lumabas na itim na usok sa iyo, anak?”

“Wala po. Pero po ... parang may nawalang napakabigat sa loob ng katawan ko.”

Kay Nanette dumako ang mga mata ng lahat. Nagtatanong. Lalo na’t alam na nilang banal siya. - ITUTULOY

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with