^

Soy milk nakapagpapabata ng kutis

KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - May 23, 2018 - 12:00am

Marami sa atin ang hu­­mahanga sa iba’t ibang Asian secrets na karamihan ay nagmula sa Korea at Japan. Sa edad kasi na 50 ay mukha lang 30 ang mga Korean at Japanese. Mapapansin din na mahilig mag-ayos ang mga kalalakihan sa nasabing bansa. Narito ang ilan sa kanilang beauty hacks:

Sea salt ­ ­– Simple lang ang ‘recipe’ sa sikat na beauty tips ng mga Koreana, ang salt facial tonic. Kailangan lang ng isang kutsara ng sea salt at isang basong maligamgam na tubig. Haluin ito nang mabuti hanggang sa matunaw ang asin. Gumamit ng bulak at ipahid sa mukha pagkatapos maligo. Naka­tutulong sa paglilinis ng muha ang sea salt. Bukod pa rito, magsasara ang iyong pores kaya tiyak na aaliwas ito. Hindi naman ito pwede gamitin kung may sugat.

Jamsu – Ito ‘yung si­na­­unang paraan para panatiliing nasa lugar ang make up. Pagkatapos mag-make up gamit ang powder, ilub­lob ang mukha sa bowl sa malamig na tubig sa loob ng 15 segundo at pu­nasan ng dahan-dahan. Pagkatapos itong gawin ay magkakaroon ng “distinct velvety feel”.

Soy milk – masasabing isa sa pinakamatandang cosmetic remedies o pampaganda ang soy milk sa Asia. Kakailanganin mo lang ng gauze o gasa na binabad sa soy milk. Ilagay ito sa mukha ng 15-20 minuto. May component ang soy na nakakapagpaganda sa takbo ng sebaceous glands ng balat para magmukhang bata.

SOY MILK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with