^

Para Malibang

Sinabihan na maliit si ‘manoy’ estudyante pinutol ang sariling ari

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Isang estudyante sa China ang viral ngayon sa social media dahil sa ginawa niyang pagputol ng sarili niyang ari, kumalat ang duguang larawan nito sa application na WeChat at agad na pinag-usapan sa buo nilang unibersidad.
Nag-umpisa diumano ang lahat sa alitan nila ng kanyang nobya, napag-alaman ng mga pulis na magtatalik sana ang dalawa pero nauwi ito sa wala matapos makita ng kanyang nobya ang ari niya at sabihang ‘maliit’ ito. Agad umalis ang babae at iniwan siyang luhaan. Sa sobrang inis ng lalaki, naisipan niyang putulin na lang ang kanyang ari.

Ayon sa mga nakakakilala sa kanya, hindi naman lango sa alak o droga ang nasabing lalaki nang gawin nito ito, aware siya sa nangyayari.
Nala­man ito ng opisyal ng kanilang unibersidad at agad pinadalhan ng tulong ang binata.

Samantala, walang nakitang injury sa lalaki na ipinagtataka nang lahat, dahil naglalakad lang ito ng normal kasama ang mga tao sa kalsada habang duguan ang kanyang hita at walang salawal.

Pinakiusapan ng opisyal ng unibersidad ang mga estudyante rito na itigil na ang pagkakalat ng kanyang mga litrato at burahin na ang mga ito. Ayaw na rin nilang naririnig na pinag-uusapan pa ang nasabing insidente.
Wala naman nang nakuhang update tungkol sa binata at kung ano na ang nangyari sa kanyang sandata.

vuukle comment

WECHAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with