Sandata ng lalaki puwede nang paputiin
Masasabing isa ang Thailand sa mga bansang may pinaka-hightech na teknolohiya pagdating sa surgery o pagpaparetoke.
Ito ang paboritong puntahan ng mga taong gustong lumaki ang boobs at maging ng mga gustong magpa-sex change. ‘Di hamak na mas mura kasi ang presyo rito kumpara sa ibang bansa.
Ngayon ay may bago na namang ino-offer na procedure ang nasabing bansa, ang penis whitening o pagpapaputi ng ari ng lalaki.
Ang Lelux Hospital ay nagsasagawa na ngayon ng nasabing procedure sa pamamagitan ng pigment-blasting laser na tinitiyak nilang magpapaputi sa sandala ng mga kalalakihan.
Sa ngayon, nasa 100 pasyente kada-buwan ang nag-a-avail ng nasabing procedure na ayon sa mga doktor, karamihan ay mula sa LGBT community.
Nagsimula nilang i-offer ang procedure matapos may isang pasyenteng gustong magpaputi ng kanyang ari.
Ang penis whitening ay nagkakahalaga ng $680 (34,000php) kada- limang session.
- Latest