Babaeng tumangging sumali sa kulto, sinaksak sa mata!
(Pang-masa) - April 30, 2018 - 12:00am

Isang secondary school student sa Otuoke, Bayelsa State sa Southern Nigeria na nagngangalang Lilian Friday ang sinaksak sa kanang mata matapos nitong tumanggi diumano sa alok na sumali sa isang kulto.

Ang may kagagagawan daw nito ay ang kanyang ka­klase na nagngangalang Josephine na pinaghihinalaang isang female cultist, kasama ang mga miyembro ng kanyang gang.

Ayon sa report, naganap ang pangyayari isang gabi pagkatapos magkita ng dalawa. Determinado si Josephine na mapasali si Lilian sa kanyang kulto pero ayaw talaga ng biktima. Kuwento ni Benson, tiyuhin ng biktima, bago pa saksakin ang mata ng kanyang pamangkin, inabangan ni Josephine si Lilian habang pauwi sa kanila. Hinarang niya ito at hinaras para mapilit pa rin na sumali, doon na nagalit si Lilian at tinanggihan niya ulit ito sa huling pagkakataon, dahilan para ma-provoked ang suspek. Nangako  ito na babalik siya at sisirain ang pagmumukha ng biktima. Sumagot si Lilian dahilan para mag-umpisa na ang away, tinawag ni Josephine ang mga kasama niya sa gang na agad namang dumating at inatake ang biktima, hiniga nila ito sa sahig at doon na sinaksak ang kanyang mata at sabay-sabay na umalis.

Hindi pa rin nahuhuli ang suspek hanggang ngayon, dahil ayon sa Otuoke community, labag ito sa kanila hangga’t hindi pumapayag ang kanilang pinuno.

STUDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with