Banta ng pornography sa pamilya

(Pang-masa) - April 26, 2018 - 12:00am

Nakalulungkot na ang pornography ay hayagang nakikita na sa lahat ng sulok ng mundo. Maaaring hindi alam na madali nang nai-entertain ang ating mga tahanan na nagbabadyang sa buhay mag-asawa na sirain at i-corrupt ang isipan ng mga anak.

Maaaring ma-expose sa maagang edad na 6 o 7 years old na anak na hindi pa nakakaintindi ng basic mechanic ng sex. Pero hindi aware ang mga magulang na halos 30% nang lahat ng data ay nata-transfer sa Internet ay pornography.

Literal na hundred of millions ng web pages kasama na ang social media, Facebook, Twitter, Skype, at dating sites. Accessible rin ito sa TV, computers, tablets, at smartphones.

Malaki ang impact nito sa marriage at pamilya, lalo na sa murang isipan ng mga bata. May power ang magulang na protektahan ang kanilang anak at ihanda na harapin na i-reject ng bata ang pornography.

Magbigay ng simpleng rules patungkol sa paggamit ng gadgets. Kausapin ang mga bata at young people na anak na i-turn off ang  mga devices sa gabi. Gumamit ng filter sa computer, router, at Internet-service-provider levels. Mag-set up ng content restriction ng settings sa mobile devices. Magkaroon ng open-book policy na puwedeng i-view ng magulang ang text at social account ng mga anak.

Turuan ang anak na kapag naka-encounter ng pornography ay ipikit ang kanilang mga mata at i-shut down ang device. Sabihin nila ito sa adult at ibaling ang kanilang isipan sa ibang bagay. Tiyakin sa anak na wala silang ginawang mali upang hindi sila mapahamak.

PORNOGRAPHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with