^

Para Malibang

Pangalawang Anino (425)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAGING sensational ang balita.

HORROR HOTEL TUMAKAS ANG PINAKAHULING GUEST.

Bakit daw umalis ang pinakahuling guest na nanatili sa hotel. Matapos ang krimen sa apat na nasa kitchen.

Lalong marami ang naniniwala na ang huling guest ang kriminal. Kataka-taka raw ang taong ito.

May mga CCTV sa hotel na posibleng magbibigay ng mukha ng huling guest.

“Sir, iyan ‘yung huling guest!” Napasigaw ang isang empleyada sa front desk.

“Sigurado ka?” tanong ng manager.

“Siyempe ho. Di ba?” Binalingan nito ang dalawa pang kasama sa front desk. “Yes. Hindi kami maaring magkamali dahil crush namin ‘yan, e.”

“Ang guwapo ng lintek pero ano kaya ‘yan, demonyo?” “Hindi pa naman natin siya nakita bilang demonyo ang itsura.”

“Pero kakaiba ang lakas niya. Dalawang pulis, pinatay. Apat na tauhan sa kitchen, pinatay din sa napakasuwabeng paraan. Hindi siya ordinaryo.”

“Officer, kumpirmado sa mga tauhan ko ang itsura ng huling guest. Kaya puwede na natin itong i-media para madaling makita at mahuli.”

“Manhunt na ‘yan.   Massacre na ang ginawa niyan, e.”  Halos sa lahat na diyaryo ay na-headline ang mukha ni “Daniel”.  YANIG si Nanette.

“Kailangang makita ko siya at makausap. Kung totoo man ito, sasabihan ko siyang itigil na. At kailangan maintindihan ko bakit niya ginawa ito.” Kausap ni Nanette ang inang si Sheila.

“Anak, paano mo ba naging kaibigan ang taong ‘yan?”

“Nagkakilala lang ka­mi, Inay. Doon sa lugar na kinaroroonan ni Yawan ngayon.”

“Hindi mo naramdaman na masama siya?”

Hindi kaagad nakasagot si Nanette. May naramdaman siya, nahulog ang loob niya. Sinubukan naman niyang pigilan. Pero malapit na sa loob niya si Daniel, hindi man niya maituring na manliligaw dahil ayaw niyang magpaligaw.

“Inay, responsibilidad ko ang taong ito. Masama man siya o hindi, kailangan kong alamin.Dahil kung totoo ito, may kasalanan ako, nagkasama kami tapos hindi ko man lang naamoy kung ano siya.”

“Baka ...”

“Baka ano ho?”

“Makisig siya anak at maamo ang mukha ... kung may pagkademonyo ito, baka inakit ka at may ginamit siyang kapangyarihan?”

“Hindi ko po sasabi­hing hindi iyan nangyari o hindi totoo. Kaya nga ho hahanapin ko siya.”

Kinabahan si Sheila. “Mag-iingat ka, anak. Ibang kalaban ito kung sakali. Saka ... may kasamang emosyon ang sitwasyon na ito.” Alam naman ni Nanette ang gustong sabihin ng kanyang ina. Nagtatanong na nga rin siya sa sarili. Pero napakaraming tanong na hindi niya alam ang sagot.

“Nabawasan na nga ba ang kabanalan ko kaya hindi na matalas ang kapangyarihan ko?”

“Nagkaroon ako ng damdamin sa isang nila­lang na baka nga taga-impiyerno?”

“Hindi pala totoong ­iisang lalaki lamang ang nasa puso ko?”

“Kapag nagkaharap kami ni Arturo, ano na ang damdamin ko, ngayong hindi na buo ang kabanalan ko?”

Si Daniel ay nasa Itom na, kaharap ang amang demonyo at tagapag-alaga.

Itutuloy

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with