^

Pagkain na hindi dapat makita sa refrigerator

(Pang-masa) - April 14, 2018 - 12:00am

Alam n’yo ba na may pagkain na mas madaling masira nang mabilis kapag inilalagay sa refrigerator?  Dahil ang prutas ay mas madaling mahinog at gulay na mabilis din mabulok sa loob ng ref. Alamin ang mga pagkain na hindi dapat makita sa ref:

Banana- Nabubulabog ang proseso ng pagkahinog ng saging. Napapabilis din ang pagkabulok nito.

Sweet Potatoes – Kapag na-expose sa malamig na temperature ang kamote ay  nagsisimula nang lumambot na naapektuhan ang flavor, texture, at pagtaas ng sugar content nito. Kung gusto ng walang lasang kamote na nagpapataba pa ay ilagay ito sa ref.

Tomatoes – Nawawala ang lasa ng kamatis na mabilis magtubig kapag nasa loob ng fridge.  

Apple – Puwede ilagay ang mansanas sa loob ng ref ng 30 minutes bago kainin. Para malamig at malutong kainin. Pero nawawala ang flavor at pumapangit ang texture nito kapag mas matagal itong nasa loob ng ref.

Onion- Maglalasa at mangangamoy sibuyas ang lahat ng pagkain. Advisable na ilagay ito supot sa madilim na cabinet para sa maximum shelf-life ng sibuyas.

Avocado- Gaya ng saging, nabubulabog din ang enzymes sa pagkahinog ng abokado.

Coffee – Best na nakatago ang kape sa room temperature para lumabas ang natural oils ng aromatic scent ng kape. Ang kape ay nagsisipsip ng amoy ng ref, pero naglalasang kape rin ang kasama nitong pagkain sa loob ng fridge.

PAGKAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with