^

Para Malibang

Bato na Ipopokpok sa Ulo

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Five years na akong hiwalay sa addict at umbagero kong mister. Naiwan sa akin ang dalawang anak ko. Merong nanliligaw sa akin na dati kong BF. Pero hindi boto ang nanay ko. Dahil wala namang matinong trabaho yung ex BF ko. Para lang daw akong kumuha ng bato na ipupokpok sa ulo ko. Ayaw din ng anak kong lalaki na hindi ako kinikibo kapag dinadalaw ako ng manliligaw ko. Pero siyempre iba ang pakita sa akin ng ex BF ko na nakikipagbalikan. Tama ba ang estima ng nanay at anak ko sa manliligaw ko? – Mia

Dear Mia, 

May critical eye ang nanay at anak mong lalaki. Mayroon silang nakikita sa lalaki na hindi mo maintindihan dahil ikaw ay vulnerable na nalulunod sa mga magagan­dang ipinapakita sa iyo ng lalaki. Kung magmamahal uli ng lalaki, dapat ay gusto rin ng iyong pamilya, para walang problema. Kaysa kukuha ng malaking bato na pagsisimulan mo uli ng bukol sa iyong ulo.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with