Powerful words para sa anak
TINTA NG MASA - Lanie B. Mate (Pang-masa) - March 22, 2018 - 12:00am

Ang mga katagang “I love you!” ang pinaka-powerful na salita na dapat ay laging sinasambit ng mga magulang sa anak. Dahil malaki ang impact nito kapag naririnig ng mga anak.

Huwag mahiyang magsabi ng “I love you” sa anak. Kapag laging naririnig ito ng bata ay nabo-boost ang kanilang self-confidence na alam nilang love sila nina nanay at tatay.

Hindi alam ng magulang na ang words of encou­ragement gaya ng “I Love You” ay dala-dala ng anak sa mahabang taon.

Tumatanim sa puso at isipan ng anak na mayroong nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya.

Kahit pa gaano ka-busy ang magulang  ay kailangang maging creative na iparating sa anak na na-miss ito at love na love sila.

Upang magkaroong connection sa anak sa kahit anong edad. Lumalalim din  ang bonding ng magulang at anak sa ipinapadamang loveliness sa mga bata.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with