^

Para Malibang

Pangalawang Anino (396)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

ANG pekeng si Arturo na anak ng haring demonyo ay napatanga kay Nanette.

“Ngayon lang ako nagagandahan nang husto sa isang babae!

“Ngayon lang ako nakakaramdam nang ganito!”

Lumapit siya pero kinuha ang anyo ng isang munting paro-paro.

Dumapo siya sa mukha ni Nanette.

Nagtaka naman si Nanette dahil gabi na pero may paro-paro pa. At sa kanyang mukha pa dumapo.

Marahan niyang pinalis ang paro-paro.

May iba siyang kutob.

Inamoy niya ang mga daliring dumaplis sa paro-paro nang palisin niya sa mukha.

Natigilan siya.

Kinabahan.

“Bakit isang napakagandang paro-paro pero amoy-asupre! Napakatapang! Ang asupre ay amoy ng mga demonyo!”

Sinundan niya ng tingin ang paro-paro na palayo.

“Isa kang demonyo.Hindi ka na dapat makalapit sa akin. Baka ... baka sugo siya ng haring demonyo para saktan si Yawan.”

Nagmamadaling pumanhik sa hagdan ng beach house si Nanette.

“Yawan?”

Nakaupo si Yawan sa rattan chair. Nakatingin sa kanya. Parang nahihiya.

“Nanette ... may gusto sana akong sabihin sa ‘yo.”

Marahang umupo si Nanette sa tabi ng kapatid sa ama. Sa dalagang kampon ng demonyo noon pero ngayon ay pingas-pingas na babaing may pag-asang makakalipat ng paniniwala sa totoong Diyos.

“Ano ‘yon, Yawan? Huwag kang mahihiya kahit ano pa ang sasabihin mo. Basta ‘yung totoo.”

“Sana maiintindihan mo. Umiibig lang ako. Sa iisang lalaki lang. Kay ... kay Arturo pa rin.”

Natigilan si Nanette.

Hindi na naman siya nagulat.

Matagal na niyang alam na ang pag-ibig ni Yawan kay Arturo, kahit pa ito lumaking masama, ay tunay. Wagas.

Mali nga lang ang pakikipaglaban ni Yawan para sa tunay na pag-ibig.

“Okay lang, Yawan. Wala na naman kami ni Arturo. Buti nga sinabi mo sa akin para masabi ko rin sa iyo na kapag ikaw ay iibigin din ni Arturo ng tunay, matutuwa pa ako. Lalo na ngayon dahil nagiging mabuting tao ka na.” - ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with