^

Para Malibang

Anak Ayaw Kilalanin ni Tatay

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Laki ako sa ampunan, pero walang kumuha sa akin hanggang maging teenager na ako. Ang naalala ko lang ay naaksidente kami ng magulang ko at ako lang ang nabuhay. Sa tulong ng Dios ay nakatapos ako ng kursong Interior design. Ngayon ay matagumpay na ako sa aking trabaho. Dumalaw ako sa ampunan at nalaman kong buhay pa pala ang magulang ko. Pinuntahan ko sila para tanungin kung bakit hindi na nila ako binalikan. Nalaman kong patay na ang nanay ko samantalang may iba nang pamilya ang tatay ko. Humingi ng sorry si tatay dahil hindi raw nila akong kayang buhayin noong araw, pero nakiusap siya na hindi niya ako puwedeng ipakilala sa kanyang pamilya na may kaya rin sa lipunan. Nasaktan ako pero natuwa na rin akong nabuhay at natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Pero dapat ba akong magtanim ng galit sa tatay ko? - Cesar

Dear Cesar,

Tuloy ang buhay kahit hindi ka na kilalanin ng iyong tatay. ‘Yan marahil ang nakatadhana sa iyo. Hindi upang panghinaan ng loob, kundi gawing hamon na maging mabuting tatay sa iyong magi­ging pamilya at anak. Nagawa mong mabuhay mag-isa ay magagawa mo rin ngayong lalo na may matagumpay kang trabaho at nasa hustong gulang ka na.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with