^

Para Malibang

Paano Maiiwasan ang Heart Attack at Stroke?

Pang-masa

Maaaring maiiwasan ang sakit o atake sa puso sa mga heart-healthy lifestyle na dapat gawin.

Una ay magkaroon ng regular na check up sa doktor upang malaman ang kalagayan ng inyong puso. Para mabigyan ng gamot kung kailangan ng maintenance na regular na iinumin. Kontrolin din ang portion ng pagkain. Importante kung gaano karami ang kinakain. Kadalasan ang overloading na pinggan na puno ng pagkain na kakainin nang madaliin lamang sa ilang segundo hanggang maging feeling busog; ang tendency ay napapadami rin ang nakakaing calories na hindi dapat. Ang paggamit ng maliit na plato o bowl ay makatutulong na mapaalalahanan na makontrol ang portion ng inyong kakainin. Kumain ng mas maraming gulay at prutas na source ng vitamins at minerals na mayaman din sa fiber. Bantayan ang servings ng kinakain, baka naman maliit nga ang pinggan pero panay naman ang balik sa lamesa. Limitahan din ang pagkain ng unhealthy fats, matatabang karne, at maaalat na pagkain. Ang high blood cholesterol level ay mas nagpapabara sa arteries na ugat sa puso na nagpapataas ng panganib ng heart attack at stroke. Iwasan ang paninigarilyo at paglalasing dahil ang masamang bisyong ito ay napatunayan nang inuugnay sa sakit sa puso. Mag-exercise nang regular, pero huwag pilitin ang sarili. Ang ehersisyo ay depende sa kalusugan ng puso ayon sa payo ng doktor.

Higit sa lahat bawal ang ma-stress dahil ang pag-aalala ay malaking tsansang sanhi ng atake sa puso. Kaya chill lang, iwasan ang mag-isip na ikaka-stress dahil kapag happy ka, healthy rin ang ating puso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with