^

Para Malibang

Natural Hair Tips

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Isang hair guru ang naglabas ng kanyang listahan ng beauty secrets para sa mga taong gustong magpahaba ng buhok.

Mainam din ang mga paraang ito para iwasan ang buhaghag at mapurol na buhok.

Heto ang ilan sa kanyang subok nang beauty secret para sa matibay, mahaba, mas mapaganda, at madulas na buhok:

Katas ng Aloe Vera – Mabisa ang halamang ito sa pagpapatubo ng buhok. Mayroon din itong taglay na bitamina para sa pag-aalaga ng anit.

Malamig na tubig – Hugasan ang buhok sa malamig na tubig. Sinasara ng malamig na tubig ang pores sa ating para mas mapaganda ang daloy ng dugo sa ating katawan/ulo. Ito ay nagreresulta sa mas mabilis at makintab na pagtubo ng buhok.

Itlog – Ihiwalay ang puti ng itlog sa yolk. Ihalo itong (puti ng itlog) mabuti hanggang sa kumapal. Ilagay ito sa anit at ibalot ng plastic ng 5 minuto. Hitik sa protina ang puti ng itlog na maganda sa kalusugan ng ating buhok.

Apple vinegar – Hugasan sa apple vinegar ng buhok ng tatlong beses sa isang buwan. Ginagawang aktibo ng suka ang ugat ng ating buhok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with