Ang mga bansang ban ang OFW
Hindi lang sa Kuwait pinagbabawalan ang mga overseas Filipino worker na hindi puwedeng magtrabaho, kundi marami pang ibang bansa na may advisory ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA ng pag-ban o deployment para sa kaligtasan at seguridad ng OFW dahil sa economic na sitwasyon ng ibang country.
Ang ilan sa mga bansa na pinagbabawal sa listahan ng POEA na puntahan ay ang Afghanistan, Somalia, Sudan, Rwanda, Burundi, Iraq, Syria, Yemen, Chechnya, South Sudan, Libya, Ukraine, Chad, Cuba, North Korea, Haiti, Mali, Mauritania, Niger, Palestine, Zimbabwe, at Palau na mahigpit na ban para sa mga domestic workers na OFW.
Hindi lamang seguridad ang pinag-uusapan sa OFW, kundi maging ang poor working condition ng mga nasabing bansa na hindi binibigyan ng certification ng Foreign Affairs. May ilang OFW na humihiling na kung puwedeng isali sa listahan ang Jordan, Saudi, o buong Middle East dahil sa mataas ang pagmamaltrato lalo na sa mga kababaihang Pinoy.
- Latest