Pangalawang Anino (388)
PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

MASIGLANG nag­hain si Yawan ng pagkain para sa kanila ni Nanette.

Walang balak magkuwento tungkol sa kanila ni Arturo.

“Kumain na tayo. Masarap ang dala mong pagkain. Alam mo bang sanay na sanay na akong kumain ng mga pagkain ng tao. Alam mo na naman kung ano ang mga gusto kong kainin noon.”

Natahimik silang pareho.

Nalungkot.

“Mag-uusap tayo tungkol kay Yawanaya, Yawan.”

“Bakit? May masamang nangyayari sa kanya? Hindi ba sabi ko, naramdaman ko ‘yon? May kaba ako.”

“May masama ngang nangyari sa kanya. Hindi na naman namin alam kung patay ba siya o buhay. Nasa protective circle ang aking mga magulang na ginawa ng taimtim kong pagdadasal. Nang akala niya walang proteksiyon ang Inay ko at ang Itay natin, nagtangka siyang lumapit, nasaktan siya ng protective circle at hanggang ngayon comatose siya.”

“Ano na ba si Yawanaya ngayon?”

“Isa na siyang higanteng anino at marami nang napatay. Ang mga magulang ko nga ang huli niyang pinagtangkaan. And now safe na ang lahat pero ang pangalawa mong anino ay hindi tiyak kung ano ang kalagayan.”

“Tama lang naman ‘yon. Hindi na siya makaka­panakit. Tahimik na. Kaya ako naman, gusto ko na lang mag-enjoy sa katahimikan ko ngayon. Masaya para sa akin ang lugar na ito.” Hindi niya masabing dahil nagkita sila ni “Arturo”.

“Then I’m happy for you. Basta mag-iingat ka. Hindi natin tiyak kung kailan kikilos ang hari ng kadiliman at kung ano ang plano naman sa iyo.”

“Mukha namang wala nang interes sa akin ang hari ng kadiliman. At gusto ko iyon. Para naman kahit ganito na lang ang itsura ko, magkakaroon pa rin ako ng buhay.”

Napangiti si Nanette. “Salamat sa ganyang pag-iisip mo, Yawan. Iyan din ang gusto ko. Tahimik at simpleng masayang buhay para sa iyo.”

“O, kain na tayo? Kumusta nga naman pala si Angela?”

“Patuloy siyang nagsisilbi sa simbahan, kasama si Ariel. Wala tayong problema sa kanya.”

Gusto na sanang magkuwento ni Yawan tungkol sa pagkikita nila ni Arturo pero hindi pa rin magawa.

NAG-UUSAP ang hari ng kadiliman at ang Tagapag-alaga.

“Habang ganyan si Yawanaya wala akong magagawa. Kaya si Angela naman ang pakikialaman ko.”

Itutuloy

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with