Merkins
Marami na tayong nakitang weird at hindi pagkaraniwang beauty/fashion trend, mula sa kinulayang buhok sa kili-kili na pinasikat ni Madonna hanggang sungki o yeba ng mga kababaihan ng Japan.
Samantala, inamin naman ng mga sikat na celebrity tulad nina Miley Cyrus, Lady Gaga at Amber Rose ang kanilang ‘passion’ sa pubic hair o ‘yung buhok na tumutubo sa maselang bahagi ng ating katawan.
Last week lamang ay ginulat ng New York Fashion Week ang fashion world sa paglabas nila ng Merkins, o ‘yung wig na ikinakabit sa ari ng babae.
Inirampa ng mga modelo ang mga obra ng South Korean designer na si Kaimin bilang parte ng kanyang Oriental Gardel collection.
Tulad ng nakasanayan nating wig, ang Merkins ay mayroon ding iba’t ibang klaseng disenyo na bumagay sa iba’t ibang skin tone ng nagsusuot. Marami ring klaseng gupit ang pagpipilian sa mga ito.
Ayon pa sa spokesperson ng designer ng naturang collection: “Kaimin chose to represent diversity, uniqueness, and acceptance of individuality with the life-giving human vagina - which was alluded to in the artistic videos projected during the show and was emphasized by the Mohawk on the runway.”
- Latest