^

Para Malibang

Skin care na pipino at patatas

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Hindi maikakailalang importante sa ating buhay ang matutunan ang iba’t ibang skin care para sa balat. Ito ang unang makikita sa atin at habambuhay na panghahawakan ang skin type na mayroon tayo.

Bawat skin type ay may nakalaan na iba’t ibang skin care kaya napakaimportante na alamin ang mga produkto/DIY beauty tips na babagay sa atin.

Isa sa may napatuna­yan na sa iba’t ibang kla­se ng skin type ay ang pi­naghalong patatas, pipino, at lemon juice.

Tinatanggal ng patatas ang mga toxin sa ating balat. Hitik ito sa antioxidants, vitamins, at mine­rals na tumutulong para ma­wala ang dark circles o ‘yung itim na matatagpuan sa ilalim ng mata at iba pang area na nangingitim dahil sa pimple marks.

Ito rin ang tinuturing na pinaka-epektibong prutas sa pagpapaputi ng eyebags. Samantala, ang taglay na tubig naman sa pipino ang siyang magpupuno ng nag-dry na area sa ating mukha. Isa kasi sa pangunahing dahilan ng dark circles o dark spot sa mukha ang kawalan ng moisture sa mukha. Samantala, ang lemon juice naman ay natural lightener dahil sa taglay nitong aci­dity. Simple lamang gawin ang DIY ice cube whitener na ito. Pagsama-samahin lamang sa blender ang pipino, patatas, at lemon juice. Dahil hindi ito mas­yadong malapot. Pagkatapos nito ay iporma sa lagayan ng ice cube at patigasin sa freezer ng anim na oras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with