Pangalawang Anino (368)
PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado (Pang-masa) - February 22, 2018 - 12:00am

MAY tatlong kabataan na ginabi ng uwi.

“Ito kasing si Leand­ro, hindi maawat sa computer gaming! Tiyak mababatukan ako ng tatay ko, mag-aalas diyes na!”

“Ikaw naman, Biyernes naman, walang pasok bukas!” Dipensa ni Leandro.

“Oo nga naman, Tikboy. Sobra lang higpit ng tatay mo. Ako naman, basta walang school kinabukasan, puwede akong umuwi nang ganitong oras.”

“Eh, kayo ... understanding ang tatay n’yo. Tatay namin, ang alam lang no’n, disiplina. Pag tumigas ulo namin, matigas din na kamay ang dadapo sa aming mukha.”

“Sorry na nga. Aaahhhhh!”

Nabigla ang dalawang kasama dahil si Tikboy ay parang bumangga sa isang napakatigas na pader, bumagsak.

Wala naman silang makitang pader o ano mang matigas na bagay sa harapan.

Puro dilim. Maitim na paligid.

“Saan ka bumangga, Tikboy. May pader bang hindi namin nakikita?”

Nanlalaki ang mga mata ni Tikboy na hanggang ngayon, nasa lupa pa rin.

“T-Tingnan n’yo ...”

Nanginig ang dalawang kasama dahil paglingon nila sa itinuro ni Tikboy, dalawang nagliliyab na mga mata at isang bibig na puno ng mga pangil  ang nakikita nila.

Walang mukha, walang katawan.

“Bakit mga nagliliyab na mga mata at mga pangil lang?”

May nararamdamang napakabigat na tumapak sa balikat ni Tikboy.

“AAAAAAHHHHH! Ano ‘to? Bakit ang bigat-bigat wala naman akong makitang kamay na dumadapo sa balikat ko?”

“Leandro, wala rin akong nakikita na dumadagan sa balikat ni Tikboy!”

“Pero nakikita ko na hirap na hirap siya, parang ang bigat-bigat ng dumadagan sa kanya!”

Bigla namang bumubuwelo ng takbo ang pangatlong kabataan. “Lumayo na tayo rito!”

“Pero bago pa nakahakbang ay napigtal na ang ulo ni Leandro na para bang bulaklak lamang na pinutol sa katawan.

Yanig ang kanyang mga kaibigan.

“AAAAAHHHHHHH!” Wala pa rin silang nakikitang kalaban. Itutuloy

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with