Panganib Kapag Napapaligiran ng Stress na Tao
(Pang-masa) - February 21, 2018 - 12:00am

Mapanganib kapag napapaligiran ng mga stress na tao. Ayon sa research, may epekto sa pagbabago ng brain kapag palagiang may contact sa stressful na indibidwal. Kapag may isang tao na may post-traumatic stress disorder sa pamilya, minsan ay nagpapakita rin ng parehong sintomas ang ibang miyembro na kasama sa loob ng bahay dahil sa direktang nararanasang stress. Ang stress ay naililipat na nagpapakita na nagbabago sa brain dahil sa nakukuhang stress. Sa research ng magka-partner na mice na babae at lalaki na na-expose sa mild stress bago bumalik sa partner. Ang resulta ng research, parehong na-stress ang daga at ang isa na hindi direktang na-stress na may parehong pagbabagong critical sa network ng kanilang brain. Maaaring isipin na ang ibang taong nakararanas ng stress ay maiimpluwensiyahan na hindi namamalayan. Ang stress ay nagre-release ng chemical signal sa tipo ng pherome para maalerto ang partner. Ang social interaction ng female mice ay nakatulong para mag-bounce back ang stress ng apektadong neuron para maka-recover ng 50%. Samantalang ang male mice ay hindi natulungan ng social interaction. Ang ibang babae na naapektuhan ng stress ay nabubura sa pamamagitan ng kanilang pakikisalamuha sa iba, pero hindi lahat ng mga kababaihan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with