Nasasakal sa Paawa Epek na BF
(Pang-masa) - February 21, 2018 - 12:00am

Dear Vanezza,

Nasasakal na ako sa sobrang seleso niya. Ayaw niyang tulungan ang sarili niya. Laging paawa epek dahil hindi siya pinapahalagahan ng kanyang pamilya. Eh ano, maraming tao ang mas malala pa ang problema sa kanya, pero marunong silang tumayo sa sarili nilang paa. Nakikipaghiwalay ako, pero tinatakot niya ako na magpapakamatay raw siya. Ano ba ang gagawin ko? – Ice

Dear Ice,

Kung sa tingin mo na hindi na healthy ang inyong pagsasama ay panahon na para maghiwalay kayo. Huwag ka rin padadala sa panakot niya dahil ginagawa lamang niya ito para makulong ka sa inyong relasyon. Pero kasama ka naman niyang hinahatak pababa. Panindigan mo ang iyong desisyon upang mapagkaroon siya ng pagkakataon na magbago sa sarili niyang pagsusumikap.

Sumasainyo,

Vanezza

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with