Mailap ang Prinsesa kay Tatay
(Pang-masa) - February 18, 2018 - 12:00am

Dear Vanezza,

Nawalay ako sa pamilya ko ng limang taon dahil nasa Saudi ako nagtrabaho. Masama ang  loob ko dahil mailap ang dalawa kong anak. Lalo na ang bunso ko na itinutu­ring kong prinsesa na ngayon ay dalaga na. Pero hindi ako kinakausap at gusto lang laging kasama ang misis ko. Paano ko ba mapapaamo ang prinsesa ko? - Tatay Dong

Dear Tatay Dong,

Malaking maitutulong ng iyong misis upang magkalapit kayo ng loob ng iyong mga anak. Sila rin ay tiyak na-miss ang iyong prisensiya bilang tatay sa kanilang buhay. Maglaan ka lang ng oras sa iyong mga anak. Makipagkuwentuhan upang malaman din ang kanilang buhay ngayon. Suportahan at samahan sila sa kanilang school activities upang lalong makilala ang iyong anak.                                                                         

Sumasainyo,

Vanezza

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with