Respeto sa mga OFW
(Pang-masa) - February 18, 2018 - 12:00am

Nagluluksa at sumi­si­­gaw ng hustisya ang pamil­ya ni Joanna Demafelis na nakita sa loob ng freezer ang kanyang bangkay sa Kuwait.

Sa desisyon ni Pres. Rodrigo Duterte matu­tul­dukan na ang pagmamaltrato sa mga OFW gaya ng total deployment ban sa Kuwait.

Pero nais din ng mga OFW na hindi lamang sa Kuwait magkaroon ng babala na proteksyunan ang mga Pinoy kundi maging sa Saudi Arabia. Nakalulungkot isipin na iniiwan ng mga nanay ang kanilang mga anak sa ‘Pinas para makapagtrabaho, pero minamaltrato, na sa malas ay uuwing nakakahon na ang kanilang ina.

Ayon sa ilang OFW sa Kuwait ay nirerespeto na sila ng kanilang mga employers ngayon. Dasal naman ng mga Pinoy sa Saudi na sana ay magbago na rin ang trato sa kanila ng mga amo nilang Arabo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with