Utol na ‘di marunong magbayad
(Pang-masa) - January 22, 2018 - 12:00am

Dear Vanezza,

Hindi ako makaipon dahil sa akin lahat umaasa at umuutang ang tatlong kong kapatid na puro lalaki. Hindi naman malaki ang suweldo ko, pero natuto akong humawak ng pera. Higit sa lahat ay marunong akong makuntento sa buhay kaya hindi ako nangungutang.  Malakas pa sa kalabaw ang mga utol ko, pero laging ako ang takbuhan bilang ate.  Nahihiya na tuloy ako sa mister ko, kahit alam kong hindi nagsasalita pero naiinis na sa madadrama kong mga kapatid.  Paano ko ba sila matatanggihan? – Alma

Dear Alma,

Bigyan mo ng ultimatum na huli na ang iyong pagpapautang kung hindi rin sila marunong magbayad.  Panahon na upang matuto silang tumayo sa sarili nilang paa.  Hindi masama na tiis ang kapatid, kaysa namimihasa na ginagawa kang gatasan na ikaw naman ang nahihirapan.

Sumasainyo,

Vanezza

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with