Kumplikasyon ng depression
Miss Violet (Pang-masa) - January 22, 2018 - 12:00am

Habang lumalalim ang depression sa teenager mas nadedebelop ang seryosong komplikasyon. Nagsisimula rin magbago ang proseso ng kanyang pag-iisip dahil ito ay naaapektuhan. Sa moderate o severe depression dahan-dahan nawawala ang  abilidad na makapag-isip ng malinaw, logical, at rational ang teenager. Pati ang judgment  niya ay unti-unting nasisira na hindi kayang ma-maintain ang healthy na pag-iisip at ang pokus ay palala nang palala sa nakaka-depress na bagay. Nalilihis ang kanyang pag-iisip na nawawala sa realidad lalo na kung ano ang iniisip ng ibang tao sa kanya. Inaakala niyang wala na siyang silbi at wala nang kuwentang mabuhay.

Gulung-gulo na ang kanyang isipan. Hindi na niya kayang makipag-usap nang maayos.  Hindi na epektibo ang counseling na nakakatakot na sitwasyon. Paano maka-counsel ang teenager kung hindi na siya makausap ng matino? Sa ganitong pagkakataon, ang medical na tulong ay mandatory. Kapag nawala na abil­idad na maging reasonable mas nagiging destructive ang kanyang depression. Ang adolescent depression ay inaakalang  emosyon na lumilipas, kundi palala nang palala. Maliban na ma-identify ang depression upang mabigyan nang tamang treatment.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with