Pangalawang Anino (315)
PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado (Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

Umiiyak na napapa­ngiti ang unang anino. “Ibinalik nga sa atin ng mabuting Diyos si Ariel, Nanette. Totoo nga ang sinabi mo na hindi pa niya oras kaya binuhay siya uli.”

Nagdilat ng mga mata si Ariel. Noon nawala ang liwanag na puting-puti na nagmula kay Nanette.

“Angela? Ano’ng nangyari sa akin?”

Niyakap ng unang anino si Ariel. “Ikaw ang tunay na milagro, ikaw ang unang pinatay na binuhay ng kapangyarihan ng mabuting Diyos sa pamamagitan ni Nanette!”

Hindi makapaniwala ang reporter na nakasilip pero kitang-kita niya ang katotohanan. Buung-buo niyang nasaksihan.

Isa siyang tv field reporter kaya tumakbo kaagad siya sa labas at sinenyasan ang kanyang camera man.

“Magla-live report tayo! Dali! Isang totoong-totoong milagro ang nasaksihan ko! At sa naramdaman ko habang nag-obserba, I know that it is a miracle from the true God!”

NAG-LIVE REPORT nga ang tv field reporter ng GMA 7.

“Nasaksihan ko po mismo ang pagbuhay sa isang patay na kabanalan po ang bumabalot. Ang liwanag ay kakaiba ang pagkaputi. Wala sa lupa, hindi dito matatagpuan. Liwanag na para bang sa langit lang nanggagaling.

“At nawala po ang sugat sa ulo ng nabuhay na pinatay na si Ariel. Ang dugo na natuyo na sa kanyang katawan at hindi pa nalilinis ng mga nurses ay nawala, walang a single trace of it.

“Ipinagpapasalamat ko po ang pagsaksi sa isang tunay na milagro. Na ginawa ng isang taong walang dungis ng kasalanan noon at ngayon. Si Nanette po ay nakaakyat sa bundok ng kabanalan at nakapagdasal ng matagal doon. Bumaba siya sa lupa na isang banal na. Iyan po ang na-gather kong informations tungkol sa kanya.”

Ang iba pang reporters ay gumawa ng kanya-kanyang paraan para magkaroon ng access sa balitang iyon.

Hindi nagtagal at halos lahat ng media outlets ay tungkol sa pagkabuhay na ni Ariel ang binu-broadcast.

Nakarating ito sa presinto na ngayon ay hindi na pinapapasukan ng mga tao.

Narinig nina Yawan ang balita. Itutuloy

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with