Masama ang Loob sa‘Kakambal’
(Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

Dear Vanezza,

Ako si Jomar na 17 years old. May ampon kaming lalaki sa bahay na kasing edad ko rin. Para kaming kambal na magkapatid dahil sabay na kaming lumaki. Pero masama ang loob ko dahil siya ang laging bida at paborito sa bahay mula nung bata pa kami. Siya ang matalino at magaling sa basketball. Samantalang ako ay bad shots sa magulang ko dahil mababa raw ang grades ko kahit pinaghihirapan ko. Pati sa nililigawan kong babae ay sa kanya rin may gusto. Lahat na lang inagaw na niya sa akin. Gaya ng atensiyon at pagmamahal ng magulang ko at ng babaeng mahal ko. Malas ba talaga ako sa buhay? – Jomar

Dear Jomar,

Walang malas sa buhay. Hindi mo kailangang maki­pagkumpitensiya sa ‘kakambal’ mo. Imbes na tingnan ang mga achievements ng kapatid mo,  ibuhos ang pokus sa iyong sarili kung anong meron kang kakayahan o talent. Dahil hindi makatutulong kung lagi mo na lang ikukumpara ang sarili sa iba. Tanggapin ang iyong sarili at i-enjoy na meron kang kapatid na kasama sa pamilya. Huwag mong hayaang manaig ang selos sa iyong puso at isipan. Kung kailangang magpatulong ka sa pag-aaral sa kanya ay mas maganda. Para makabawi ka sa iyong mga grades. Makakahanap ka rin ng babaeng magkakagusto rin sa iyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with