Pampaganda na Puwedeng Gawin sa Bahay
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - January 1, 2018 - 12:00am

Para sa puffy eyes o namumugtong mga mata, ang puti ng itlog ang solusiyon.

Ihiwalay lang ang egg whites at haluin ito hanggang maging foam ang hitsura. Ilagay sa puffy eyes ng 15 minuto at banlawan.

Maaari rin maglagay ng kutsara sa freezer at ilagay sa mata para ma-relax. Pampawala ng cellutite o ‘yung mga taba-taba na madalas na nakikita sa ating mga hita ang pinaghalong kape at olive oil.

Tunawin lang ang ½ tasa ng kape sa dalawang kutsarita ng olive oil. Ipahid ito sa buong hita ay balutan ng plastic. Gawin ito ng 2-3 tatlong beses sa isang linggo.

Nakakaputi ng ngipin ang pinagsamang strawberry at baking soda. Durugin lang ang prutas at ihalo sa kaunting dami ng baking soda. Ilagay sa ngipin at ibabad ng limang minuto at banlawan. Nakakabango rin ito ng hininga.

Ang pinagsamang oatmeal at lemon juice ay magandang ilagay sa mukha bilang exfoliator. Makatutulong itong alisin ang deadskin sa mukha na siyang magbibigay ng glowing at mas healthy na kutis.

 

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with