Healthy Habits
(Pang-masa) - November 10, 2017 - 4:00pm

Kailangan ng healthy habits para makaiwas sa sakit kahit sa simpleng paraan.

Gawing bahagi ng pang-araw-araw na activities ang stretching. Dahil madalas matagal ang oras natin sa opisina o trabaho lalo na sa harap ng computer; ang muscles ay mas madaling mag-stiff at mag-contract.

Ang paninigas ng muscles ay maaaring lumala na magkaroon ng panganib ng injury at matinding sakit. Para maiwasang mapilayan ay siguraduhin na may sapat at regular na pagpraktis ng stretching tuwing umaga.

Ang isa pang mabisang paraan upang magkaroon ng magandang kalusugan ay pag-improve ng breathing technique.  Kailangang huminga mula sa diaphragm sa halip mula sa dibdib. Ang pagpapalit ng pattern sa paghinga ay nakatutulong na ma-maximize ang oxygen intake. Ito rin ay para masiguro na mapanatiling kalmado.

Baguhin ang breathing style para ma-improve ang tamang function ng katawan at blood circulation.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with