Sisikat na Haircut sa 2018
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - November 7, 2017 - 4:00pm

Mahigit isang buwan pa bago mag-2018 pero ngayon pa lamang ay marami na ang tumututok sa mga papatok na fashion trend. At kapag sinabing fashion, kasama na rito ang buhok.

Nitong 2017 ay nauso sa mga babae ang mid-length haircut na pwedeng straight o wavy. Samantala, ngayong pang-apat na quarter ng taon ay nauso naman ang short haircut na hanggang balikat. Ito ‘yung hairstyles nina Kathryn Bernardo at Bea Alonzo na ginagaya ng kanilang followers.

Samantala, sa pagpasok ng Bagong Taon ay inaasahang mauuso ang mas maikling buhok na ‘di lalampas sa tainga. Inaasahan din na uso pa next year ang brush up look na paboritong hairstyle ng mga fashion magazines.

Samantala, kung nauso naman ngayong taon sa mga lalaki ang hairstyle na medyo mahaba na pwedeng itali o kung tawagin ng mga millennial ay man bun, clean-looking hairstyles naman ang inaasahan na mauuso sa Bagong Taon.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with