Sintomas ng Ruptured Aneurysm!
Ang brain aneurysm ay ang paglobo ng isang blood vessel sa utak.
Para itong berry na nakasabit sa sanga ng puno. Maaari itong mag-leak o pumutok at magdulot ng pagdurugo sa utak (hemmorhagic stroke).
Ang ruptured aneurysm ay banta sa buhay kaya dapat agad itong lunasan.
Narito ang ilang sintomas ng ruptured aneurysm:
1. Ang biglaang pagsakit ng ulo ang pinakaunang sintomas ng ruptured aneurysm. Masasabing ito ang pinakamasakit na klase ng headache.
2. Pagsusuka dahil sa pagkahilo.
3. Pagkakaroon ng stiff neck.
4. Paglabo ng paningin o pagdu-double vision.
5. Pagiging sensitibo sa liwanag.
6. Pag-atake ng seizure.
7. Pagkabalisa matapos maramdaman ang ilang sintomas.
- Latest