Solusyon sa ingrown na buhok
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - September 10, 2017 - 4:00pm

• Para sa fresh look, paghaluin ang tubig at asin. Ilagay ang malinis na towel sa saltwater solution at idampi sa mukha ng 10 minuto.

• Marami ang naghahangad ng pouty lips gaya ng kay Angelina Jolie. Abot-kamay ito sa pamamagitan ng pagsipilyo sa labi na mayroong almond oil o simpleng lip balm. Gumamit ng soft toothbrush para hindi masugatan ang labi.

• Ang paglalagay ng honey sa mukha ay isang paraan para mabawasan ang taghiyawat. Ibabad ito ng 15 minuto sa mukha at banlawan.

• Paghalu-haluin sa malinis na lalagyan ang baking soda, oatmeal, at tubig hanggang sa makabuo ng makapal na paste. Ilagay ang mixture sa balat (sa mukha o katawan) at ibabad ng 20 minutes. Hugasan ito ng mainit hanggang sa maligamgam na tubig. Ang nasabing mixture ay epek­tibo para makaiwas sa pagtubo ng ingrown na buhok.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with