Dimple Device
Hindi kumpleto ang feminine o babaeng-babae na hitsura kung wala kang dimple noong 1920s.
Common knowledge na bibihira ang mga taong may perpektong dimple.
Pero hindi dito natapos ang kagustuhan ng mga nag-aasam na magkaroon ng dimple.
Taong 1923 nang maimbento ang tinawag na Dimple Device ni Isabella Gilbert na taga-New York.
Kinakabit ito sa likod ng tenga at baba kung saan naman konektado ang dalawang bilog na babakat sa iyong pisngi.
Madiin ang pagkakakabit nito kaya tiyak na masasaktan ang sinumang magsusuot. Kapag pinagpatuloy ng matagal ang pagsusuot nito, makukuha ang pinapangarap na dimple.
- Latest