Nail Polish, Pang-organize ng mga Susi
KUMPUNERONG KUYA - RCL (Pang-masa) - May 19, 2017 - 4:00pm

Naranasan n’yo na bang mag-panic o mainis dahil na-stuck kayo sa ulan sa labas ng gate dahil hindi n’yo mabuksan sa rami ng susi sa inyong key holder?

Eh ang uminit ang ulo dahil hindi pa rin kayo makapasok kahit dis­oras na ng gabi dahil hindi n’yo rin makita ang tamang susi para sa main door ng bahay?

Pwede may solusyon ang inyong kuya para riyan. Iba’t ibang kulay lang ng nail polish ang kailangan ninyo para sa epektibo at madaling proyektong ito.

Kunin ang lahat ng susi n’yo at punasan para matanggal ang mga alikabok. Ilatag ang mga ito sa giling ng lamesa o kahit anong flat surface. Pinturahan ang “ulo” nito ng iba’t ibang kulay ng nail polish. Ang tangi n’yo lang gagawin ay tandaan kung ano’ng kulay ang ginamit n’yo sa kung ano’ng pinto o gate. Maaari rin maglagay ng palatandaan sa pinto o padlock sa gate para hindi kayo malito.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with