Orange Pangontra sa Sakit na Cancer
BURP - Koko (Pang-masa) - May 17, 2017 - 4:00pm

BURP TIPS

Sabi ng nanay nating kahit noong bata pa tayo ay kailangan ng gulay at prutas para may sustansya sa katawan. Tama naman sila dahil may mga prutas at gulay pa nga na pangontra sa mga sakit. Tulad na lang ng prutas na orange.

Alam n’yo ba na pangontra ito sa sakit na cancer? Tama, cancer nga. Mataas kasi ang taglay nitong citrus limonoids at napatunayan nang mabisang pangontra sa cancer lalo na ang cancer sa skin, lung, breast, stomach, at colon.

Ang pag-inom din ng orange juice ay magandang pang-iwas sa sakit sa kidney at nakakaiwas magkaroon ng kidney stones o bato. ‘Wag lamang iinom ng sobra-sobrang orange juice dahil ang mataas na sugar content nito ay maaaring magdulot ng tooth decay at ang matas na acid content nito ay maaring makasira sa enamel ng ngipin.

Ayon din sa isang pag-aaral sa Japan, ang pagkain ng mandarin orange ay nakabababa ng tsansa para makakuha ng sakit na liver cancer. Marahil dahil ito ay sa vitamin A compounds na carotenoids.

Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with