Pag-aalaga sa labi
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - April 24, 2017 - 12:00am

Nauuso ngayon sa mga kabataan ang pagkakaroon ng makapal na labi o ‘yung full and pouty lips na mala-Angelina Jolie at Anne Curtis.

Pero hindi lang basta lipstick ang kailangan para ma-achieve ito.

Una sa lahat ay kailangan ninyong i-exfoliate ang inyong labi para maalis ang dead skin nito.

Pwede niyo itong pasa­dahan ng soft toothbrush pagkatapos magsipilyo.

Isa pang paraan sa pag-exfoliate ng labi ay ang pinaghalong mixture ng coconut oil, asukal, at honey.

Ikuskos ito sa labi ng dahan-dahan at banlawan. Gawin ito ng tatlong beses sa isang linggo.

Pagkatapos ay pwede na kayong maglagay ng paborito ninyong kulay ng lipstick.

Sa paligid muna mag­lagay para magkaroon ng illusion na malaki at pouty ang inyong labi.

ANGELINA JOLIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with