Kumukulo ang Dugo kay Kuya

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - April 16, 2017 - 12:00am

Dear Vanezza,

Paano ko ba mapapatawad ang kuya ko na nagmolesitiya sa akin. Dalawang lang kaming magkapatid at siya ang panganay. Kapag sa harap ng magulang namin ay ang bait-bait niya. Lagi pa akong pinagagalitan ni nanay dahil lagi ko raw inaayaw si kuya. Ewan ko ba, kumukulo ang dugo ko sa kanya. Minsan gusto kong isumbong siya kina tatay. Tama ba ako? – Nene

Dear Nene,

Dapat isumbong mo sa magulang mo ang nangyari sa iyo para hindi na ito maulit. Magkaroon ka na rin ng kapayapaan sa paglalabas ng pagkamuhi sa iyong kapatid. Makatutulong ang pagsasabi mo ng totoo sa iyong mga magulang.

Sumasainyo,

Vanezza

DUGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with