_pang-masa
^

Pag-monitor sa Smartphone ng Anak

(Pang-masa) - April 5, 2017 - 12:00am

Ang mga magulang ay dapat bantayang maigi ang smartphones at tablets ng mga anak. I-monitor kung sino ang kanilang ka-friend sa Facebook. Kung sino ang laging ka-chat o kalaro sa online. Sino ang laging ka-text o kausap sa video call. Huwag kalimutan na i-check ang mga cell phone o gadgets para  masubaybayan ang minor de edad na anak, lalo kung ang magulang ang nagbabayad ng bill para sa kanilang telepono.

Responsibilidad ng mga tatay at nanay na tingnan ang kanilang activities sa social media. O baka naman hindi ka friends ng anak sa FB. Wais ang mga bata sa henerasyon ngayon dahil alam nila kung paano i-hide mula sa magulang ang kanilang mga activities sa CP. Ang ibang bata ay may ibang account o alias na ginagamit sa FB. Para magkaroon sila ng kalayaan na gawin at i-post ang kanilang gustong i-shout out sa social media.

Kalimitan dahil sa kabisihan at pagiging kampante ng mga magulang, sila ang huling indibidwal ang nakakaalam sa mga nangyayari at kinasasangkutan ng anak. Huwag kalimutan na maglagay ng limitasyon sa oras ng paggamit ng mga cell phone at gadgets ng mga bata. Lagyan din ng rules kung anong site at sino lang dapat nilang ka-friend o kausap sa online. Kung may issue ay personal na kausapin ang anak at huwag idaan sa social media ang personal na problema ng pamilya.

SMARTPHONES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with