Dapat Bang I-please ang Ibang Tao?
(Pang-masa) - March 26, 2017 - 12:00am

Dear Vanezza,

Naiyak ako sa galit dahil sa aking teacher na lagi na lang akong pinagkukumpara sa mga classmates ko. Anong magagawa ko, ‘di ako kasing talino nila, dahil iba ako sa kanila. Pero sa totoo lang ang pinagmamalaki niyang mga classmates ko na matatalino raw ay mga cheaters naman. Hindi ko lang sila masumbong dahil baka masabihan akong epal. Hindi ba nila alam na pinaghihirapan ko ang mga grades ko, kahit hindi ako makakuha ng 100% sa test. Bakit kailangan nila akong i-down at ikumpara sa iba, kung hanggang dito lang ang kaya ko, pero hindi ibig sabihin ay hindi ko na ibinibigay ang best ko. Dapat ko bang i-please ang ibang tao? – Jhen

Dear Jhen,

Huwag kang panghinaan ng loob kundi gawing challenge ang sinasabi ng teacher mo. Hindi mo naman kaila­ngan patunayan sa ibang tao ang sarili mong worth. Hindi mo rin kailangan i-please ang ibang tao o ang mundo.  Basta ba kung alam mo ang tama, lakasan mo ang loob mo lumaban ng parehas.  Dahil hindi man nila nakikita ang mali, alam ng Diyos ang puso mo.

Sumasainyo,

Vanezza

VANEZZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with