Iba’t ibang Uri ng Pagbati
RAMPADORA - DC (Pang-masa) - March 2, 2017 - 12:00am

Nakagawian na ng mga tao saan mang panig ng mundo ang bumati sa mga taong kanilang nakakasa­lamuha.

Iba-iba rin ang klase ng pagbati depende sa kanilang kultura at istilo ng pamumuhay.

Dito sa Pilipinas, ang pagmamano ang isa sa pinakahinangaan na gesture ng mga banyaga. Ginagawa natin ito bilang paggalang sa nakatatanda.

Sa Japan, ang pagba-‘bow’ ang ginagamit bilang simbolo ng paggalang. Depende rin sa sitwasyon kung gaano kababa at anggulo ang bow.

Sa India, ang pagsasabi ng ‘namaste’ kasabay ng paglalagay nila ng dalawang kamay sa dibdib ang isa sa mga tumatak sa kanilang kultura.

Sa France naman, pinaniniwalaan naunang gi­namit ang pagbeso sa magkabilang pisngi.

Kakaiba naman ang ginagawa ng M?ori people sa New Zealand dahil pinagdidikit nila ang kanilang ilong at noo. Ito ang kanilang paraan sa pagsasabi ng “hello!”

Isa pa sa pinakakakaiba

Sa Tibet, nakaugalian nang ilabas nila ang kanilang dila bilang patunay na hindi sila reincarnation ng masamang hari na may itim na dila.

 

KULTURA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with