Bad Habits ni Lola
IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - January 16, 2017 - 12:00am

Dear Vanezza,

Bilib  na sana ako kay lola, deboto kung magsimba tuwing linggo. Pero nahuli ko sa cabinet niya na may bold siyang magazine ng mga lalaki. Na-shock ako, wala sa personality ni lola ang may ganung pagnanasa, huli ko rin sa kanyang skype account nang maiwanan niyang bukas ang mga pakikipag-chat niya sa mga foreigner. Asus,  ang babata pa ng itsura na para na niyang apo. Hindi ko masabi ang sekreto ni lola kay mama dahil baka mag-away lang sila. Kaya dedma na lang ako sa bad habits ni lola. Tutal naman matagal nang  balo si lola. Pero parang balak pang makasungkit ng bagets.  - Kylle

Dear Kylle,

Nakipag-chat lang si lola, nanghula ka agad na gustong mag-asawa ng bagets. Baka naman nakikipag-friends lang.  Sa bad habits ni lola ay puwede mong banggitin sa iyong mama. Hindi upang mag-away sila kundi para maging maingat sa pagtatago ng kanyang  lihim sa apo na katulad mo. Puwede mo namang ma­ging friend si lola para mag-share kayo ng saloobin sa isa’t isa. Tiyak na may moment na malungkot si lola at naghahanap ng kausap. Kaya samahan mo siyang madalas at magkuwentuhan kayo. Baka sakaling mag-open siya sa gusto niyang gawin sa buhay. Saka ka puwedeng makatulong sa needs ni lola.

Sumasainyo,

Vanezza

 

 

LOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with