^

Para Malibang

House Of Death (144)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI naman nasiraan ng loob si Mario, pinigil ang antigong wheelchair, nawala ang takot sa multo. Hindi makatakbo ang wheelchair dahil sa lakas ni Mario. Ang pari naman kahit napatihaya sa sahig ay pilit inabot ang lalagyan ng holy water. Nakuha naman niya ito.Saka niya patuloy na winisikan ang kaluluwang putol ang mga paa sa wheelchair.

Dumating naman si Benilda at ang reporter na may sixth sense. May kasamang camera man. Nakikita nila ang kababalaghang eksena.

“Diyos ko! Tama ba ang nakikita ko, may may-edad na lalaking putol ang mga paa, galit na galit, winiwisikan siya ng holy water ni Father! Multo ‘yang nasa wheelchair na tulad mo, hindi ba?”

“Tama. At nakikita mo dahil may gift ka. Tulad din nina Mario at ng paring ‘yan.”

Nilingon ng reporter ang camera man. “Ikaw, nakikita mo?”

“Ang nakikita ko lang ay ang pari. Walang nakaupo sa wheelchair na winiwisikan ng holy water ni Father!”

“Wala kang kakayahan na makakita. Hindi lahat ay may gift.”

“Ano ngayon ang gagawin natin? Kinukunan man ng camera man ko ang wheelchair at ang pari, kapag nasa tv na, wala namang makikitang nakasakay diyan!”

“Pero reporter ka, ramdam ko na may kredibilidad na reporter ka. Maniniwala sila sa iyo kapag sinabi mo ang totoo. Na ang nakikita mong nasa wheelchair ay lalaki, hindi babae ... hindi si Anna na asawa ni Mario.”

“Sana nga maniwala sila sa ibabalita ko. Dahil kawawa naman si Anna.”

Lumakas na naman ang multo sa wheelchair, naitulak ang bata pang pari. Pati si Mario na gustong tumulong sa pari, naitulak din.

Agad pinagulong ng multo ang wheelchair at paulit-ulit na namang binunggo ang paring nasa sahig na marmol.

Malakas. Tumutunog dahil sa impact.

Tinamaan sa ulo ang pari, may sugat kaagad at dugo. Tinamaan sa balikat, napaarengkeng ang pari sa sakit. Binunggo sa baywang, napasigaw ang pari.

Lahat nakunan ng camera. Binundol na naman sa mga binti ang pari, sumugat, pumula ang pantalon na puti nito pati ang abito.

Gigil na nakatayo si Mario at hinawakan ang antigong wheelchair para matigil na ang pananakit sa pari na maaring ikamamatay din nito.

Taranta na rin ang reporter na may sixth sense, binalingan ang camera man. “Tumulong ka para mailigtas ang pari!”

(Itutuloy)

MARIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with